January 25, 2026 | News by PISD

25 Enero 2026, Oriental Mindoro – Ang higit pang ipakilala ang mayamang kultura ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng makulay at masining na pagtatanghal ng mga talentadong kabataang Oriental MindoreƱo.
Tagumpay sa layuning ito ang Parang National High School (PNHS) Passionate Dancerists matapos katawanin ang lalawigan sa Lungsod ng Iloilo para sa ILOmination: Festival of Light Festivals 2026 noong ika-23 ng Enero.
Sa ipinakitang husay, disiplina at malikhaing interpretasyon ng grupo sa pagsayaw na hango sa kultura at tradisyon ng lalawigan ng Oriental Mindoro, umani sila ng mga papuri sa mga hurado at manunuod at nakamit ang 3rd runner-up sa nasabing patimpalak.
Sa ngalan ng Provincial Tourism Office, tinanggap ni Susan E. Cruz ang parangal, ika-25 ng Enero bilang pagkilala sa tagumpay ng naturang grupo.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1RMnWHdLPZ/?mibextid=wwXIfr
