January 24, 2026 | News by PISD

Sa ating #WeeklyBytes, tuloy pa rin ang serbisyo-publiko ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng PG-ENRO tulad ng koordinasyon sa mga indibidwal, CSAG Permittees, government agencies at Provincial Government Offices at Brgy. Officials hinggil sa mga ipinatutupad na programa ng tanggapan. Labinlima namang kliyente ang napagkalooban ng tulong-teknikal sa pamamagitan ng pag-proseso ng kanilang mga aplikasyon para sa Delivery Receipts (DRs) at Ore Transport Permits.
Nitong a-beinte tres naman ng Enero, nakiisa ang PG-ENRO sa Simultaneous coastal clean-up & river clean up activity ng Pamahalaang Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng kanilang MENRO. Ang aktibidad ay isinagawa sa mga barangay ng Balite at Sta. Theresa kaugnay ng selebrasyon ng 2026 Zero Waste Month na may temang “RA 9003 @25: Honoring Our Past, Perceiving Commitment, Innovating for a Cleaner Tomorrow”. Ito ay dinaluhan ng LGU Officials, ENR-EMB Satellite Office staff, CENRO-Roxas, PNP, BFS, MDRRMO, Brgy. Offials, 4Ps, samahan ng mga mangingisda & concerned community. Nagsagawa rin ng Information Education Communication (IEC) si CDO II Joseph Solis tungkol sa pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2001 at mga Provincial Ordinance sa lalawigan. Namigay din ang PG-ENRO ng mga brochure ng nasabing batas at mga ordinansa sa mga dumalo sa gawain.
Ngayong araw naman ay dumalo ang PG-ENRO sa tree planting activity ng Municipal Government ng Baco sa pamamagitan ng kanilang MENRO sa Brgy. Bayanan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Founding Anniversary ng nasabing munisipalidad. Nakiisa rin dito ang Municipal Police Station, MDRRMO, Community Interns at Brgy. Officials.
