Flood control project sa Naujan, substandard

January 24, 2026 | News by PISD

24 Enero 2026, Naujan — Personal na binisita ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang isang flood control project sa Brgy. San Andres, Naujan.

Ito ay upang makita ang dahilan ng mga pagbaha sa mga bayan ng Victoria at Naujan nitong mga nakalipas na buwan.

Sa inspeksiyon, kasama si Mayor Henry Joel Teves, mga miyembro ng DPWH at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, nakita ni Gobernador Dolor na substandard at hindi sumunod sa plano ang pagkakagawa ng istruktura.

Aniya, ito ang dahilan kung kaya hindi naging epektibo ang mga ito bilang proteksyon laban sa pag-apaw ng tubig at mga pagbaha.

Ayon sa Gobernador, tinutukan niya ang masusing pag-iimbestiga sa mga proyekto at sinimulan na ang mga pagpaplano para sa posibleng pagsasa-ayos ng nasabing flood control project.

Source: https://www.facebook.com/share/p/189Bdx4djc/?mibextid=wwXIfr

Scroll to Top