January 22, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Bago sumalang sa masinsilang blockings at huling paghahanda, minabuti ng 34 na mga kabataang mag-aaral ng Parang National High School na dumaan muna sa Jaro Metropolitan Cathedral sa Jaro, Lungsod ng Iloilo upang humingi ng gabay at basbas sa Panginoon para sa kanilang pagtatanghal sa ILOmination:Festival of Lights Festival 2026 na gaganapin bukas ng gabi, ika-23 ng Enero.
Sa labas ng malaki at makasaysayang cathedral, taimtim na nag-alay ng panalangin ang mga kabataan kasama ang kanilang mga gurong tagapayo.
Naniniwala ang mga kabataang ito na ang Dakilang Lumikha ang kanilang tanging pinakamalakas na sandigan at matibay na kakampi upang magtagumpay ang kanilang pagtatanghal bukas.
