January 22, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Dumating na sa Lungsod ng Iloilo kaninang 2:35 pm, ika-22 ng Enero ang Parang National High School (PNHS) Passionate Dancerists na lalahok sa ILOmination: Festival of Light Festivals 2026.
Mainit na pagtanggap ang bumungad sa PNHS sa kanilang pagdating sa Nabitasan Integrated School – ang itinalagang billeting quarter para sa delegasyon ng Oriental Mindoro.
