January 21, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nagsimula na kaninang alas-8 ng umaga ang mass blood donation activity na pinangunahan ng Provincial Health Office, sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Blood Council.
Sa mga nais mag-donate, maaari kayong magtungo hanggang alas-5 ng hapon ngayong araw sa Mangyan Hall, Provincial Capitol Complex, Brgy. Camilmil, Calapan City.
Malaking tulong ang inyong donasyon sa pagliligtas ng buhay ng mga pasyenteng nangangailangan. Gayundin, may mga benepisyo rin ito sa ating kalusugan.
