January 21, 2026 | News by PISD

𝐍𝐄𝐂𝐊 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊: 𝐖𝐚𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐓𝐡𝐲𝐫𝐨𝐢𝐝 ![]()
Bilang pakikiisa sa Goiter Awareness Month ngayong buwan ng Enero, nagsagawa tayo ng isang lay forum upang magbahagi ng tamang kaalaman tungkol sa thyroid health at goiter.
Ang thyroid ay isang hugis-paruparong organ na matatagpuan sa leeg. Bagama’t maliit, ito ay may mahalagang papel sa normal na pagpapatakbo ng iba’t ibang sistema ng katawan.
𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐨𝐢𝐭𝐞𝐫?
Ang goiter ay ang paglaki o pamamaga ng thyroid gland sa leeg. Maaari itong walang sintomas, ngunit sa ilan ay nagdudulot ng bukol, hirap lumunok, o hirap huminga.
𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧
• Pagkipot ng daanan ng hangin
• May maliit na panganib ng thyroid cancer, lalo na kung may thyroid nodules
𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: Kung may napansing bukol o pamamaga sa leeg, magpatingin agad sa health professional para sa tamang pagsusuri at gamutan.
𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐰𝐚𝐬
• Gumamit ng iodized salt araw-araw sa tamang dami
• Kumain ng pagkaing mayaman sa iodine tulad ng isda, seafood, dairy products, itlog, karne, at tinapay
𝐈𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚
• Iwasan ang sobrang goitrogens at radiation exposure
• Huwag balewalain ang bukol o pamamaga sa leeg
𝐌𝐚𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐚𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐮𝐫𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐬𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐭𝐡𝐲𝐫𝐨𝐢𝐝.
