January 21, 2026 | News by PISD

๐ฑ๐ฌ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ ๐ป๐ด ๐ฑ๐๐ด๐ผ, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ ๐๐น๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐น๐๐ผ
21 Enero 2026, Calapan – Umabot sa 50 bags ng dugo ang naipong donasyon sa Mass Blood Donation ngayong araw sa Kapitolyo.
Pinangunahan ito ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni PHO II Dr. Cielo Angela A. Ante sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Blood Council (OMBC) na dinaluhan ng 50 donors.
Kabilang sa mga donors sina Vice Governor Antonio โJojoโ S. Perez, Jr., Board Member Ronalee E. Leachon, at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagkakaisa namang nanawagan sina VG Perez, BM Leachon, at OMBC Executive Director Ruel Quinzon sa publiko na makibahagi sa blood donation upang patuloy na makatulong sa mga pasyente na kinakailangang masalinan ng dugo.
Nakatakdang magtungo ang OMBC sa bawat bayan sa lalawigan para sa serye ng mobile blood donation activities:
โข Subaan, Socorro sa Enero 24;
โข Grace Mission Hospital sa Enero 29; at sa
โข Innovative College of Science and Technology sa Enero 31.
Bukas din araw-araw ang Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at Red CrossโOriental Mindoro upang tumanggap ng donasyong dugo mula sa mga indibidwal na nais magbigay nito.
