January 21, 2026 | News by PISD

BAYAN NG BACO – 105 TAON NA
21 Enero 2025, Baco- Sa temang “Serbisyong Tapat, Kaunlaran para sa Mamamayan,” pormal nang sinimulan ang limang araw na selebrasyon ng 105th Founding Anniversary ng bayan ng Baco.
Itinampok dito ang iba’t-ibang mga programa na nakatuon sa pag-aangat ng estado ng lahat ng sektor ng lipunan.
Magkatuwang itong pinangunahan nina Mayor Allan Roldan at Vice-Mayor Eric Castillo, kasama ang mga pinuno at kawani ng kanilang Pamahalaang Bayan, mga opisyal ng Sangguniang Bayan at iba pang mga konsernadong grupo at indibidwal. Kapwa pinasalamatan nila ang kanilang mga kababayan sa patuloy na pakikiisa sa mga programang laan para sa pag-unlad ng kanilang bayan.
Binuksan ang Trade Fair 2026 na bahagi ng isang linggong programa.
Dito, itinatampok ang mga natatangi at masasarap na produktong pagkaing Bacoeño ng mga samahan at kooperatiba rito.
Sinuportahan naman ito ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng pakikiisa ng Provincial Cooperative Development Office na pinamumunuan ni PGDH-PCDO Orlando B. Tizon at Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) na kinatawanan ni PAgO representative Engr. Jefte Bay-ongan at ng Department of Agriculture.
Samantala, nakalinya rin sa kanilang mga mahahalagang gawain ang Job Fair, Barangay Day: Indak ng barangay, Sangguniang Kabataan Night: Hiphop Dance Contest, Local Government Unit & Multi-Sectoral Night: Magpasikat 2026, Alagang AR: Outreach Program and Medical Mission, Simultaneous clean-up drive, tree planting, unveiling and launching of official Baco Postcard at iba pang mga programa.
Sa kabuuan, ang pagdiriwang ay simbolo ng progresibo at nagkakaisang Bacoeño.
