January 19, 2026 | News by PISD

๐ช๐ฒ๐น๐น๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ, ๐ ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ-๐ฎ๐๐ฎ๐ถ๐น ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป
Ibinahagi ni Provincial Human Resource Officer Anna Marie DC. Reyes na maaari nang mag-avail ng Wellness Leave ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ito ay batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 01 series of 2026 ng Civil Service Commission.
Bukod sa mga permanenteng empleyado, kabilang din sa mga maaaring makinabang dito ang mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) worker.
Layunin ng programang ito na magkaroon ang mga kawani ng pagkakataon na makapagpahinga, makapagpokus sa pisikal at mental na kalusugan at upang makabawi mula sa stress sa trabaho.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging produktibo ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng maaasahan at de-kalidad na serbisyo-publiko sa bawat isang Mindoreรฑo.
