Regular flag-raising ceremony, pinangunahan ng SP

January 19, 2026 | News by PISD

19 Enero 2026, Lungsod ng Calapan – Pinangunahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa pamumuno ni Vice Governor at SP Presiding Officer Antonio S. Perez, Jr. kasama ang mga myembro ng 12th SP, ang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan sa Bulwagang Panlalawigan sa Kapitolyo ngayong araw.

Kasamang nakiisa sa gawain sina Board Member Jomarc Philip E. Dimapilis, Board Member Ronalee E. Leachon, Board Member Marion Francis D. Marcos, at Board Member Lagtum A. Pasag.

Ipinaabot ni Vice Governor Perez ang kaniyang pagbati at pasasalamat sa mga hepe at kawani ng Kapitolyo sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor.

Aniya pa, katuwang ang 12th SP, nawa’y magpatuloy ngayong taon ang kasipagan, pakikiisa at tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng mga Mindoreño na ipinakita noong nakaraang taon.

Samantala, tulad ng nakagawian, kinilala at binigyan ng espesyal na regalo ang mga kawani ng Kapitolyo na magdaraos ng kanilang kaarawan ngayong lingo.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1H3hFsuwDp/

Scroll to Top