January 19, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐๐ข๐ , ๐ฏ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ก๐๐ฆ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐๐ถ๐๐ฎ๐น
19 Enero 2026, Lungsod ng Calapan โ Buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa 34 na kabataang mag-aaral na myembro ng Parang National High School (PNHS) Passionate Dancerists, ang opisyal na delegasyon ng lalawigan sa ILOMINATION: Festival of Light Festivals 2026.
Ito ay bahagi ng Dinagyang Festival ngayong taon na gaganapin sa ika-23 ng Enero sa Lungsod ng Iloilo.
Sa pangunguna ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor, pinagkalooban ang mga kabataan, kasama ang kanilang mga guro, ng meal allowance na mahigit Php127,000.00, insurance, at mahahalagang kagamitan para sa kanilang paglalakbay at pananatili sa Iloilo para sa kumpetisyon.
Lubos naman ang pasasalamat ni PNHS Principal Dr. Alain A. Mendoza sa tulong na kanilang natanggap. Aniya, malaking bagay ang suportang ito ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kanilang hangaring makapag-uwi ng karangalan para sa Oriental Mindoro.
Katuwang sa gawain ang mga kawani ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Dr. Dhon Stepherson Calda.
