January 19, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Sa pangunguna ni Rev. Father Edward Fabella, isang banal na misa ang isinagawa sa Parang National Highschool (PNHS), Brgy. Parang, Lungsod ng Calapan.
Bahagi ang nasabing misa ng pambungad na gawain sa Send-Off Ceremony ngayong araw ng PNHS Passionate Dancerists na magtatanghal sa ILOMINATION: Dinagyang Festival 2026 na gaganapin sa Iloilo sa darating na 23 Enero.
Dinaluhan ito ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor, kasama si First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, mga magulang, miyembro ng Sangguniang Barangay, at mga guro ng nasabing paaralan.
