PGOM at SP, nakiramay sa pagpanaw ni dating bokal Atty. Edgardo C. Aceron

January 16, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜๐˜๐˜†. ๐—˜๐—ฑ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ผ ๐—–. ๐—”๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป

Taus-pusong nakikiramay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa naulilang pamilya ng pumanaw na si dating Bokal Atty. Edgardo C. Aceron, isa sa kinikilalang mahusay at batikang abogado ng lalawigan.

Kilala si Atty. Aceron hindi lamang sa kanyang galing sa larangan ng abogasya kundi maging sa kanyang tapat at masigasig na paglilingkod sa publiko. Malaki ang naiambag niya sa pagpapalawig ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan na para sa ikauunad ng mga mamamayan lalo na noong siya ay naglilingkod bilang kasapi ng Sangguniang Panlalawigan (SP) bilang board member noong 1980-1986.

Bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo, nag-alay ng isang resolusyon ang SP sa pangunguna ni SP Presiding Officer at Vice Governor Atty. Antonio CA Jojo S. Perez, Jr. Ito ay tanda ng pagpupugay at pagkilala ng 12th SP sa kanyang mga natatanging nagawa para sa lalawigan.

Ang kanyang pamana ng tapat at mahusay na paglilingkod ng may malasakit ay patuloy na magsisilbing inspirasyon sa mga kapwa niya abogado at sa mga susunod pang henerasyon ng mga lider sa lalawigan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/photo/?fbid=1305189821643929&set=a.223668556462733

Scroll to Top