January 16, 2026 | News by PISD

๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ป๐ฑ๐ผ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป
16 Enero 2026, Bongabong- Opisyal nang binuksan ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) Indoor Firing Range sa Camp Jurado, Bagong Bayan II, Bongabong, Oriental Mindoro ngayong araw.
Bahagi ang nasa mahigit P2.9M na proyektong ito ng inisyatiba ng pamunuan ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor bilang suporta sa pwersa ng kapulisan, partikular sa 2nd PMFC sa patuloy na pagpapaigting ng kanilang kasanayan sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.
Matapos ang konstruksyon ng nasabing proyekto na nagsimula noong 2024 at natapos noong ika-31 ng Marso 2025, opisyal na itong pinasinayaan at binasbasan sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Rev. Father Patrick A. Bautista.
Pinangunahan naman ng Gobernador, kasama si First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, OrMin. PPO Provincial Director PCOL Edison Revita, at 2nd PMFC Commander PLTCOL Michael C. Caraggayan ang ribbon-cutting ceremony.
Bukod sa 2nd PMFC, maaari ring magamit ng Municipal Police Station (MPS) at Special Force Action (SAF) ang bagong Firing range para sa kanilang ensayo sa paggamit ng baril.
Sumaksi naman sa programa si Bongabong Mayor John Michael Malaluan at Former 2nd PMFC Commander PLTCOL Aldwin R. Santos.
Source: https://www.facebook.com/photo/?fbid=1304942188335359&set=pcb.1304942445002000
