BM Jomarc Dimapilis, opisyal na kandidato bilang Legal Officer ng Luzon sa NMYL

January 15, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Sa idaraos na 27th National Convention and Election of the National Executive Committee ng National Movement of Young Legislators (NMYL), isa sa mga lalahok na opisyal na kandidato bilang Legal Officer para sa Luzon ay si Oriental Mindoro 2nd District Board Member Atty. Jomarc Philip E. Dimapilis ng Sangguniang Panlalawigan.

Gaganapin ito sa Manila Hotel, 1 Rizal Park, Ermita, Maynila sa ika 23-25 ng Pebrero 2026.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong higit pang palakasin ang prinsipyo at komitment ng mga batang mambabatas para sa tapat na pamamahala, partikular na sa paggawa ng batas, polisiya, at mga patakaran.

Ipakita natin ang buong suporta sa ating isa sa ipinagmamalaki at pinagpipitaganang magaling na mambabatas ng lalawigan!

Source:https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02Ko539CoBALU9szjGD1cDsbeLRjL7AojyfQjob49cq9nbFGL8c2eYj1rbEF4v5G8il?rdid=Ef4VPvzCVZuPvILs#

Scroll to Top