January 15, 2026 | News by PISD

Dalawampu’t isang (21) empleyado ng PGOM na binubuo ng 14 permanent at 7 nonpermanent ang sumailalim sa blood chemistry testing bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Layunin ng inisyatibang ito na mabigyan ang mga kawani ng libreng serbisyong medikal upang maagang matukoy ang kanilang kalagayang pangkalusugan, maiwasan ang posibleng paglala ng sakit, at makabawas sa personal na gastusing medikal.
Ang programa ay patunay ng patuloy na malasakit ng pamahalaang panlalawigan sa kapakanan at kalusugan ng mga empleyado nito.
