January 14, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Naging isa nang ganap na Tropical Depression ang dating Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ito ay ayon sa kanilang inilabas na Tropical Cyclone Bulletin NR. 1 as of 11:09 am. Tinawag itong #AdaPH. Ito ang naitalang kauna-unahang bagyo ngayong taong 2026.
Magsisimulang maramdaman ang bugso ng hangin sa lalawigan ng Oriental Mindoro bukas, ika-15 ng Enero.
Samantala, hanggang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 naman ang maaaring itaas sa mga lugar na madadaanan nito.
: DOST-PAGASA https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02e3ryS4xBhtUjHVtKGycRRrxM6r14JctaSzAWk1FL7n6zZ5jazq8ArrGHH66svEjZl?rdid=9v0korzzrzxPNb4x#
