Cash incentive, iginawad kay Pinamalayan athlete Cathlyn Seño

January 12, 2026 | News by PISD

Bilang pagkilala sa karangalang kanyang naibigay sa bansa at sa lalawigan, pinarangalan at binigyan ng cash incentive si Cathlyn Jane Seño, isang taga-Pili, Pinamalayan, matapos niyang makamit ang Bronze Medal bilang kasapi ng Women Netball Team sa 33rd South East Asian Games na ginanap sa Thailand mula Disyembre 9 hanggang 20, 2025.

Isinagawa ang pagkilala ngayong araw sa isang simpleng seremonya kung saan siya ay personal na pinuri at pinangaralan ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor, bilang pagpapahalaga sa kanyang determinasyon, disiplina, at mataas na antas ng kahusayan na nagdala ng karangalan sa Oriental Mindoro at sa buong Pilipinas sa internasyonal na larangan ng palakasan.

Ang naturang pagkilala at pagbibigay ng insentibo ay bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong suportahan at bigyang-parangal ang mga atletang Mindoreño na nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kabataang nagnanais magtagumpay sa larangan ng isports.

Sourcehttps://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0UMYD6pAPc1vLjw9AN948U7z4wFH4PSbSvPK932SC4qPXVD1EbuTTH4vDL897tPLRl?rdid=AdD59HK1VJM9k0m2#

Scroll to Top