January 10, 2026 | News by PISD

ISINAGAWANG PULONG UKOL SA UHC LOCAL HEALTH SYSTEMS MATURITY LEVEL
Isinagawa ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Provincial DOH Office (PDOHO) ang isang pulong upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng Universal Health Care (UHC) Local Health Systems Maturity Level ng lalawigan.
Layunin ng pagpupulong na suriin ang antas ng pagpapatupad ng UHC, tukuyin ang mga natamong tagumpay, hamon, at mga puwang sa sistema, at pag-usapan ang mga susunod na hakbang upang higit pang mapalakas ang lokal na health systems alinsunod sa mga pamantayan ng UHC.
Patuloy ang sama-samang pagkilos ng PHO at PDOHO upang matiyak ang dekalidad, episyente, at pantay na serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng MindoreƱo.
