January 10, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Sa gitna ng kasiyahan ng mga kasapi ng Centro Dulangan II Farmer’s Association sa bayan ng Baco ngayong ika-10 ng Enero, dumating si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor upang makisaya at makipagkumustahan.
Nagdaraos ng Christmas Party ang naturang samahan kung kaya’t nag-abot ng ilang mga regalo si Gob. Dolor na maiipamahagi sa mga kasapi ng samahan.
Sa kanyang mensahe, siniguro ni Gob. Dolor na patuloy niyang kakalingain ang bawat samahan sa lalawigan ng Oriental Mindoro tungo sa ikauunlad ng mga ito.
