January 9, 2026 | News by PISD

𝗞𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗶𝗻𝗶𝘆𝗼𝗴 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗰𝗼, 𝗣𝗖𝗗𝗢, 𝗮𝘁 𝗠𝗟𝗚𝗨: Tinalakay ang Coconut Development at Pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya para rito
𝑬𝒏𝒆𝒓𝒐 09, 2026 | 𝑷𝒖𝒕𝒊𝒄𝒂𝒏 𝑪𝒂𝒃𝒖𝒍𝒐, 𝑩𝒂𝒄𝒐
𝗣𝗖𝗗𝗢 𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗢 | Nagkaroon ng talakayan ang Provincial Cooperative Development Office (PCDO), ang Lokal na Pamahalaan ng Baco sa pamamagitan ni Ms. Mylene Najeto, at ang Putican Cabulo Coconut Farmers Agriculture Cooperative hinggil sa mga usapin at inisyatiba kaugnay ng coconut development.
Ang Putican Cabulo Coconut Farmers Agriculture Cooperative ay binubuo ng mga magniniyog mula sa Barangay Putican Cabulo, bayan ng Baco, na lahat ng miyembro ng kooperatiba ay may kani-kanilang taniman ng niyog.
Sa naging talakayan, napag-usapan ang kahalagahan ng mas maayos na koordinasyon ng kooperatiba sa Municipal LGU (MLGU), Provincial LGU (PLGU), at mga National Government Agencies (NGA) na may tutok sa sektor ng niyugan, upang mapalakas ang daloy ng impormasyon hinggil sa mga umiiral na programa, teknikal na suporta, at mga serbisyong may kaugnayan sa pagpapaunlad ng coconut industry.
Binigyang-diin ng PCDO ang papel nito sa pagpapalakas ng ugnayan ng kooperatiba sa mga ahensyang may mandato sa coconut development, habang ang LGU Baco, sa pamamagitan ng Municipal Cooperative Development Officer Designate na si Ms. Mylene Najeto, CDS I, ay patuloy na nagsisilbing katuwang sa pagbibigay ng suporta at gabay sa mga kooperatiba sa antas ng munisipyo.
Samantala, ipinapahayag ng PCDO ang pasasalamat sa pamahalaang bayan ng Baco, sa pamumuno ni Mayor Allan Roldan, sa patuloy na pagsuporta sa mga kooperatiba at sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng organisadong sektor ng mga magniniyog. Ang pagtutok sa mga kooperatiba sa pamamagitan ng Municipal cooperative Development Officer Designate ay kinilala bilang mahalagang bahagi ng lokal na adbokasiya para sa mas matatag na mga samahan ng magsasaka at magniniyog.
Ang naturang talakayan ay nagsilbing plataporma upang higit pang mapagtibay ang koordinasyon ng PCDO, LGU Baco, at ng Putican Cabulo Coconut Farmers Agriculture Cooperative sa usapin ng pagpapaunlad ng sektor ng niyugan sa komunidad.
