January 6, 2026 | News by PISD

ALERTO, BAGONG LPA, NABUO NA![]()
![]()
Update: Panibagong Low Pressure Area ang nabuo ngayong hapon sa silangang bahagi ng #NorthernSamar at binigyan nang JTWC ng designated name na #90W at kumikilos ang nasabing sama ng panahon pakanluran.
Inaasahan na direktang maapektuhan nito ang bahagi ng #EasternVisayas, #BicolRegion at sa #SouthernLuzon area sa susunod na mga araw
Hindi rin inaalis ang posibilidad na lumakas at maging ganap na bagyo bago tumama sa ating kalupaan. Kung sakali man ay bibigyan ito sa local name na #AdaPH ang unang bagyo sa taong 2026.
Sa ngayon, ay ramdam na sa #BicolRegion at #EasternVisayas ang trough ng nasabing LPA. Patuloy lang po sa pag-monitor sa posibleng mga PAGBABAGO ng forecast sa susunod na araw
Weather News 24/7
