TINGNAN: Status ng Calapan City Port sa panahon ng Oplan Biyaheng Ayos Pasko 2025

January 5, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Status ng Calapan Port sa panahon ng pagpapatupad ng Oplan Byaheng Ayos PASKO 2025 na nagsimula noong ika-20 ng Disyembre 2025 hanggang ika-4 ng Enero 2026.

Ang 𝐎𝐩𝐥𝐚𝐧 𝐁𝐲𝐚𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐀𝐲𝐨𝐬 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 ay inisyatibang ipinatupad sa mga pantalan sa buong bansa sa nagdaang holiday season.

Sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG), partikular ang Coast Guard Station (CGS) Oriental Mindoro, katuwang ang pamunuan ng Philippine Ports Authority- Port Management Office (PPA-PMO) Mindoro at iba pang ahensya, kabilang ang Calapan Port sa isinailalim sa 𝗛𝗲𝗶𝗴𝗵𝘁𝗲𝗻𝗲𝗱 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁 𝗦𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀, kung saan mas pinaigting ang pagbabantay at pagpapatupad ng mga serbisyo upang matiyak ang seguridad, kaligtasan, at kaayusan ng mga pasahero.

Source:https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid037dtpFJFwLHgaDYRrsc8Kzqo6fzubDejdJ4rSdz9PNGZr5nQ4kfU2Cjz532G9Y3gRl?rdid=N807LZHZ0pNat74X#

Scroll to Top