Sistema ng biyahe sa Calapan City Port, pinagtulung-tulungang isaayos

January 5, 2026 | News by PISD

𝗦𝗶𝘀𝘁𝗲𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝘆𝗮𝗵𝗲 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗿𝘁, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴-𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀

05 Enero 2026, Lungsod ng Calapan – Patuloy ang koordinasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA) upang maayos na mapangasiwaan ang dagsa ng mga pasahero sa Calapan City Port matapos ang halos dalawang (2) linggong bakasyon.

Kaugnay nito, pinagtulung-tulungan ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na maitayo ang pito (7) tents sa Calapan City Port na magsisilbing pansamantalang silungan ng mga pasaherong nakapila sa labas ng passenger terminal building.

Sinisikap ding makipag-ugnayan ng PDRRMO sa PPA at PCG – Oriental Mindoro Station kung paano ang maaaring gawing sistema kaugnay sa proseso ng pagsakay ng mga pasahero sa barko at makapunta sa kani-kanilang destinasyon.

Pinapaalalahanan naman ang lahat ng mga pasahero at biyahero na maging pasensyoso at sumunod lagi sa mga ipinatutupad na patakaran sa pantalan.

#TheCapitolNews

Source:https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0HkaBcUVZQ7GX1MrHsPuxk2o3APdZydWfdctYAvJRuivtfnY2cpY3hdm8aDVN6FLBl?rdid=Grnoaaoc1GPZ4tsZ#

Scroll to Top