January 5, 2026 | News by PISD

MAGANDANG BALITA PARA SA MGA KABABAYANG MINDOREÑO
Ipinababatid ni PHO II at Acting OMPH Chief, Dr. Cielo Angela Ante, sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ginanap na flag raising ceremony ngayong Lunes sa Kapitolyo, na maaari nang makakuha ng libreng gamot para sa Chemotherapy ang mga kababayang Mindoreño na sumasailalim sa naturang medikal na procedure.
Maaaring direktang puntahan ang Outpatient Department ng OMPH upang makuha ang naturang libreng gamot. Para sa karagdagang impormasyon, sundin ang mga hakbang na nakasaad sa ibaba.
Ang programang ito, na makapagpapagaan ng pasanin ng mga pasyenteng may kanser, ay bunga ng matagumpay na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Department of Health, sa pamumuno ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor.
