January 4, 2026 | News by PISD

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Sa kabila ng pagdagsa ng mga pasahero at byahero sa Calapan Port, ngayong araw, ika-04 ng Enero 2026, namahagi ng simpleng tulong ang mga tauhan ng Coast Guard Station Oriental Mindoro (CGS ORMIN), katuwang ang 505th Coast Guard Auxiliary Squadron (CGAS) sa pamamagitan ng pamimigay ng bottled water upang magbigay-ginhawa at refresment sa mga paluwas na byahero.
Sa tala ng CGS Oriental Mindoro, umabot sa 6,639 na pasahero at 806 na rolling cargoes ang lumuwas mula kaninang 06:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Dahil dito, patuloy pa rin ang CGS Oriental Mindoro sa maigting na pagpapatupad ng OPLAN BYAHENG AYOS: PASKO 2025 upang matiyak ang ligtas at mapayapang byahe ng mga luluwas.
