3 weather systems, magkakasabay na nakaaapekto sa bansa

January 4, 2026 | News by PISD

Tatlong pangunahing weather systems ang kasalukuyang sabay-sabay na nakaaapekto sa bansa, na nagdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa iba’t ibang rehiyon.

Sa kasalukuyan, ang Shear Line ang umiiral sa Palawan at ilang bahagi ng Visayas, na nagdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan at posibilidad ng pagkidlat at pagkulog.

Ang Northeast Monsoon o Amihan naman ang nangingibabaw sa nalalabing bahagi ng Luzon, na nagdadala ng mas malamig na panahon, mahangin na kondisyon, at paminsan-minsang mahinang pag-ulan, lalo na sa mga baybaying silangan at hilagang bahagi ng rehiyon.

Samantala, ang Easterlies ang pangunahing sistemang nakaaapekto sa Mindanao, na nagdadala ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga isolated rain showers at thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makakaranas ng tuluy-tuloy na pag-ulan,

Philippine Typhoon/Weather

Source:https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02KWTsRsUvTauuWabpEwh8EXR1AKyMapZpr9P7fjB3zEtyZgiuyq7ECWNwWyh5Yeg3l?rdid=8oTGiDMMclt3LG6X#

Scroll to Top