January 3, 2026 | News by PISD

CALAPAN PORT, HANDANG SINASALUBONG ANG DAGSA NG PASAHERO
Patuloy ang pagdagsa sa Calapan Port ng mga pasaherong paluwas ngayong araw pagkatapos ng selebrasyon ng kapaskuhan at salubong sa bagong taon.
May naitalang nasa halos 140,000 na ang mga pasaherong bumaba sa Calapan Port mula sa Batangas at 73,000 naman ang bilang ng mga pasaherong gumamit ng Calapan Port ang tumawid papuntang Batangas Port mula ng maigting na pinatupad ang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2025.
Mula ng binuksan sa publiko ang Gate 4 ay hindi na kinakailangan pang bumaba ng driver ng sasakyan para tumubos ng ticket ng roro terminal at Passenger Terminal Building (PTB) fees.
24/7 naman na nagbibigay ng serbisyo ang Malasakit Help Desk na maaring lapitan sa anumang tulong. May iba’t ibang lanes din na itinalaga para sa mga pasaherong senior citizens, PWD, buntis, may online ticket at mga regular passengers.
Pagpasok sa PTB ay bukas ang mga air conditioning, air cooling units at mga charging stations. Fully operational din ang mga elevator at escalator na nakakatulong sa pagtaas at pagbaba sa tatlong palapag na gusali.
Mayroon ding mapagpipiliang maaring pagkainan ng mga pasahero habang naghihintay sa loob ng PTB at water dispenser para sa libreng drinking water.
Hindi lang ang mga paluwas ng Batangas ang kayang pagserbisyuhan sa loob ng Calapan Port kung hindi pati ang mga papasok na mga pasahero mula Batangas dahil mayroon silang maaring paghintayan na Arrival Lounge, libre, fully-airconditioned at may mga designated na charging stations din.
Sa mga pasahero na balak bumiyahe ay patuloy na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga shipping lines para sa maluwag na pagpasok sa pantalan.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan”
Facebook: @portsauthorityph
Twitter: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
