December 28, 2025 | News by PISD

Para sa ating mga kababayan na lumalaban sa sakit na Kanser, nais kong ibalita sa inyo na maaari na kayong maka-avail ng LIBRENG GAMOT para sa CHEMOTHERAPY, mula sa ating Oriental Mindoro Provincial Hospital OMPH -OPD (Cancer Access Site). Ang 31Million halaga ng libreng gamot para sa chemotherapy ay bunga ng pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng DOH.
Nawa ay makatulong tayo ng malaki sa pasyente at pamilyang apektado ng sakit na Kanser.
Maraming salamat po!
