December 26, 2025 | News by PISD

Nakikidalamhati ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpanaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA Regional Director Karl Caesar R. Rimando.![]()
Si RD Rimando ay isang tapat na lider at lingkod-bayan na nagpakita ng masigasig na pamumunong inuuna ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.
Bagama’t biglaan ang kaniyang naging pagpanaw, ang kaniyang iniwang marka ng tagumpay sa rehiyon ay magsisilbing inspirasyon para sa patuloy na pagtupad ng mga pangarap para sa MIMAROPA.
