54 pamilya sa Baco at Lungsod ng Calapan, nabigyan ng ESA mula sa PGOM

December 26, 2025 | News by PISD

Umabot sa 54 pamilya mula sa bayan ng Baco at Lungsod ng Calapan ang napagkalooban ng Emergency Shelter Assistance (ESA) mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni PSWD Officer Zarah C. Magboo ang pamamahagi sa unang 11 benepisyaryo mula sa Brgy. Lumangbayan, Lungsod ng Calapan na nakatanggap ng tig-Php30,000.00 halaga ng housing materials.

Samantala, 43 pamilya naman mula sa Brgy. Tabon-tabon, Baco ang nakatanggap din ng mga materyales na nagkakahalaga ng Php10,000.00 kada pamilya.

Naging katuwang dito ang DSWD sa layuning matulungan ang mga mamamayang lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0VTy8c34QwtkGnuSceaX2tXMZAbGTrbGpeub5bgh1kKjXRfzvfP5LzeVFYg8jwDmul?rdid=lquVpjqBi8PaIpXc#

Scroll to Top