Gov. Bonz, nagpaalala sa pagpapanatili ng kaligtasan sa pagmamaneho

December 23, 2025 | News by PISD

𝘐𝘯𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘮𝘰 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘸𝘢.

Sunod-sunod ang naitalang aksidente sa kalsada sa buong lalawigan nitong mga nakaraang araw. Ilang inosenteng buhay ang nasayang. Nakakalungkot na ang masayang pagdiriwang sana ay nauwi sa paghihinagpis ng naiwang pamilya. Nakikiramay po ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga naulila.

MULI PO NATING PINPAALALAHANAN ANG LAHAT NA MAG-INGAT SA PAGMAMANEHO. Maging responsableng mamamayan tayo.

1.) Huwag mag maneho kung nakainom.

2.) Sundin ang speed limit at iba pang batas trapiko.

3.) Siguraduhing nasa kondisyon ang mga sasakyan bago ito gamitin.

At higit sa lahat, sa mga Drayber ng mga pampublikong sasakayan, ingat mo ang buhay mo at ng iyong kapwa.

Panginoon, gabayan po nawa ninyo ang bawat isa. 🙏🏼

Scroll to Top