December 22, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Naitala ng pamunuan ng Batangas Port ang pinakamaraming pasahero matapos ang pandemya na umuwi sa kani-kanilang probinsya kahapon, ika-21 ng Disyembre. Umabot sa mahigit 30,000 na indibidwal at 2892 na rolling cargoes at vehicles ang dumaan sa kanilang pantalan.
Anila, maaaring hindi na hihigit pa rito ang bilang ng mga pasahero at rolling cargoes sa mga susunod na araw bago ang mismong araw ng kapaskuhan.
Pinapayuhan ang ating mga kababayan na nakapila o pipila pa lamang sa Batangas Port terminal na magbaon ng pasensya dahil sa malaking volume ng pasaherong dagsa ngayon upang makasama ang kani-kanilang mga pamilya sa Pasko.
