December 22, 2025 | News by PISD

BASAHIN: Para sa tuluy-tuloy na serbisyong pangkalusugan ng mga taga-Naujan at mga kalapit na lugar, aprubado na ng Department of Health MIMAROPA Center for Health Development ang License to Operate ng Naujan Community Hospital (NCH) para sa taong 2026.
Bilang isang infirmary hospital, mayroon itong Clinical Laboratory (Primary) at Pharmacy (1).
Pagbati sa pamunuan ng NCH at ng Provincial Health Office.
