December 22, 2025 | News by PISD

๐๐ฎ๐ฟ๐๐ต ๐ฑ๐ถ๐ธ๐ฒ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐๐ท๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ
16 Disyembre 2025, Naujan – Kinakailangan ang pagbabalik ng dating daloy ng tubig sa ilog sa Barangay Tagumpay sa bayan ng Naujan sa pamamagitan ng agarang pagtatayo ng earth dikes.
Ito ay matapos ang malawakang pagbaha na naranasan sa mga bayan ng Naujan at Victoria kamakailan dahil sa malalakas na mga pag-ulan.
Sa pakikipagtulungan ng Provincial Engineerโs Office (PEO) na pinamumunuan ni Provincial Engr. Edylou Tejido at ng Pamahalaang Bayan ng Naujan, tatlong earth dikes ang itatayo sa ilog ng Mag-asawang Tubig.
Kabilang dito ang unti-unting pagbuo ng 2.1 km earth dike na idudugtong sa road dike na nasa Barangay Tagumpay patungong San Andres Putik.
Pansamantalang magsisilbing harang ang mga nasabing dike upang makontrol ang daloy ng tubig at nang di tuluyang makapasok sa malaking bahagi ng Naujan.
Sa pamamagitan nito, inaasahang malilihis nang bahagya ang konsentrasyon ng tubig at mababawasan ang dami ng tubig na aagos patungo sa mga kailugan na malapit sa mga barangay ng Curva, Adrialuna, Santiago, Bagong Buhay, San Carlos, Nagiba, Poblacion, San Antonio, Pinagsabangan I at II, Barcenaga, Motoderazo, Andres Ylagan, at iba pa kabilang ang ilang bahagi ng Victoria.
Bagamaโt hindi nito tuluyang mapipigilan ang posibleng pagbaha laloโt higit kung napakalakas ng buhos ng ulan, malaking tulong ang hakbangin upang hindi lubusang umapaw ang tubig na nagiging sanhi ng mga pagbaha sa mga nabanggit na lugar.
