December 21, 2025 | News by PISD

𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧: 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗼𝘄𝗮𝗻𝗰𝗲 (𝗛𝗘𝗔) 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻.
Ayon sa ulat ng Provincial Department of Health Office (PDOHO) na nangangasiwa sa pagproseso, pag-apruba, at pamamahagi ng HEA sa mga kwalipikadong healthcare workers sa lalawigan, marami sa nasabing tulong pinansyal mula 2021-2023 ay naipamahagi na sa mga benepisyaryo nito.
Samantala, patuloy ang nasabing ahensya sa pagproseso ng mga natitirang HEA na hindi pa naipamamahagi.
Ang HEA ay isang uri ng tulong pinansyal na programa ng Pamahalaang Nasyunal sa pamamagitan ng Department of Health (DOH) na namamahala sa pag-apruba ng nasabing pondo para sa mga healthcare frontliners noong kasagsagan ng Covid-19.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at paglilingkod upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko sa kabila ng panganib.
