Gloria Town Centerpiece, pinasinayaan

December 20, 2025 | News by PISD

๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐—ง๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ถ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป

20 Disyembre 2025, Gloria โ€“ Pormal nang pinasinayaan ang Gloria Town Plaza Centerpiece, isang Tourism Legacy Project ng administrasyon ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ Dolor.

Layunin nitong isulong ang turismo, kultura at pagkakakilanlan ng bayan ng Gloria.

Kasama sina First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Mayor Teresita Ong at Vice Mayor Wilfredo Condesa, pinangunahan ng Gobernador ang ribbon-cutting ng proyekto, saksi ang Sangguniang Bayan Members, Barangay Officials at mga mamamayan ng Gloria.

Bilang hudyat ng pormal na pagbubukas, isinagawa ang official switch-on ng Gloria Town Plaza Centerpiece.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gob. Bonz ang kahalagahan ng mga proyektong pampubliko tungo sa higit na pagpapalakas ng pagkakaisa at kaunlaran ng komunidad.

Inaasahan namang magsisilbing lugar na sentro ng mga pagtitipon at simbolo ng patuloy na pag-unlad ng bayan ng Gloria ang bagong plaza centerpiece.

Scroll to Top