Joint Council Meeting ng mga ahensyang pangkapayapaan, isinagawa

December 18, 2025 | News by PISD

๐—ฃ๐—ข๐—ฃ๐—ฆ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด, ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฐ๐˜๐—ต ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ต๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

18 Disyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Ipinasa ng magkakasamang konseho sa lalawigan ang Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan 2026-2028 na naglalaman ng kumprehensibong plano na magsisilbing gabay upang tugunan ang mga isyu kaugnay ng peace and order, kriminalidad, insureksiyon, ilegal na droga, public safety, at iba pang usaping pangseguridad sa Oriental Mindoro.

Ito ay pinagtibay sa isinagawang 4th Quarter Joint Council Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ngayong ika-18 ng Disyembre.

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor bilang Chairperson ng mga nabanggit na konseho ang pagpupulong at ang pag-apruba sa POPS Plan na may budgetary requirement na mahigit Php. 273M na popondohan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naging tampok din sa gawain ang mga naging ulat ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan ukol sa mga programa at iba pang proyekto na kanilang napanagumpayan sa huling quarter ng taong 2025 na patuloy pa rin nilang pinag-iibayo.

Patuloy ang 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army at Police Provincial Office ng lalawigan sa pagsusumikap na itaguyod ang kapayapaan, seguridad, kaayusan at kaligtasan sa mga komunidad.

Mas pinaigting naman ang kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang pinag-aaralan ang iba pang mga mabibisang programa na higit na makakatulong sa pagpapababa ng bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga hanggang sa maging tuluyan nang drug-free ang lalawigan.

Hinihikayat din ang publiko na makiisa sa pagtukoy sa mga gumagamit at nagbebenta nito para maisiguro ang kaligtasan at kaayusan ng bawat komunidad.

Itiniyak naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) na handa ang kanilang hanay sa mga insidente ng sunog sa gitna ng pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.

May namataan naman ang PAGASA na namumuong sama ng panahon, ayon kay Calapan PAGASA Station Manager Edmundo Muning na inaasahang makakaapekto sa lalawigan sa ika-24 hanggang 30 ng Disyembre subalit mababa ang tsansa nitong maging isang ganap na bagyo.

Kaugnay nito, nagbahagi naman si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operations Division Head Ram Temena ukol sa maayos at nararapat na Reporting System sa tuwing mayroong kalamidad.

Sa muling pagsasama-sama ng magkakaugnay na konseho, naging malinaw ang nagkakaisang layunin ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga katuwang na ahensya ng pamahalaan na higit pang palakasin ang koordinasyon, mabilis na pagtugon, at sama-samang pagkilos para sa kapayapaan, kaayusan, kaligtasan, at kaunlaran ng buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

#TheCapitolNews

Scroll to Top