December 19, 2025 | News by PISD

๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐บ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ผ, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ธ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐ด๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ธ๐๐ป๐ฎ, ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ
18, Disyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Bubuksan na sa sunod na taon ang bagong Command Center ng lalawigan ng Oriental Mindoro sa may Office of the Civil Defense (OCD) sa Barangay Batong Dalig sa bayan ng Socorro.
Ito ang inanunsyo ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa ginawang 4th quarter joint council meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) kahapon, ika-18 ng Disyembre.
Layunin nitong higit pang palakasin ang kakayahan ng lalawigan na tumugon sa anumang sakuna at iba pang insidente na nangangailangan ng agarang aksyon.
Ang bagong Command Center na ito ang magiging sentrong himpilan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na may pangunahing papel sa disaster response at pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko. Kabilang sa mga inisyal na tinukoy ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na mga ahensya ng pamahalan na mag-oopisina dito ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Provincial Health Office (PHO).
Kaugnay nito, inilatag ng PDRRMO sa pangunguna ni PDRRM Operations Division Head Ram Temena ang mga alituntuning ipinatutupad ng lalawigan hinggil sa Hazard-Specific Standard Operating Procedures and Guidelines na kamakailan ay pinagtibay at inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 7443-2025. Nakapaloob dito ang malinaw na proseso ng karampatang aksyon batay sa uri ng sakuna, gayundin ang Reporting System na sinusunod ng lahat ng ahensya ng pamahalaan sa buong lalawigan tuwing may sakuna o kalamidad.
Sa pamamagitan ng mga komprehensibong patakaran, layong gawing ganap na sentralisado ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (PDRRMOC) ng lalawigan ng Oriental Mindoro para sa lahat ng mga kinakailangang impormasyon. Bilang center hub ng lahat ng may kaugnayan sa sakuna sa buong lalawigan, ang PDRRMOC ang tatanggap ng mga kinakailangang ulat na iuugnay naman sa mga kaukulang kasaping ahensya ng PDRRMC para sa beripikasyon at balidasyon.
Mahalagang papel naman ang ginagampanan ng Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Officers (M/CDRRMO) ng bawat bayan at lungsod sa pagsusumite ng consolidated reports bago, habang at pagkatapos ng anumang insidente sa kanilang lugar. Ang sistematikong daloy ng impormasyon ang magiging pundasyon ng maagap at epektibong disaster response ng lalawigan.
Ang mas pinalakas na koordinasyon, komunikasyon at integrasyon ng magkakaugnay na ahensya ng pamahalaan ay inaasahang magiging susi para makapaghatid ng real-time na impormasyon, maayos na pagpaplano at mabilis na pagresponde sa kinakailangang tulong at serbisyo ng mga mamamayang Mindoreรฑo.
