December 19, 2025 | News by PISD

๐ฏ๐ญ ๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ, ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐๐๐-๐ฅ๐๐ง๐ข๐ก ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐น๐๐ผ
19 Disyembre 2025, Lungsod ng Calapan โ Maagang pamasko ang kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa 31 mamamayan sa pagtanggap ng kanilang Kabuhayan sa Kariton (KAB-RITON).
Pinangunahan nina Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at kaniyang maybahay Hiyas Govinda Ramos-Dolor, katuwang si Board Member Atty. Fay Ilano Navarro, ang pamamahagi na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan sa Kapitolyo ngayong araw.
โNatutuwa ako dahil lahat ng bayan ay kasali sa programang KAB-RITON na kaloob ng Pamahalang Panlalawigan upang mapaunlad ang inyong paghahanap-buhay. Nawa ay magamit ito ng maayos at lubos na mapakinabangan,โ ang mensahe ni Gobernador Bonz.
Bukod sa mga kagamitang pangkabuhayan, tatanggap din ang mga benepisyaryong ng tig – โฑ5,000 bilang karagdagang puhunan. Magkakaloob din ang Pamahalaang Panlalawigan ng educational allowance para sa isang anak ng bawat benepisyaryo na kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo.
Samantala, sinabi naman ni Board Member Ilano na ang naturang programa ay patunay ng malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga manininda, na aniyaโy may mahalagang papel sa pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.
Ang gawain ay pinangasiwaan ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) sa pamumuno ni PPES Officer Antonio Magnaye Jr.
