PANOORIN; Dr. Caranzo ng OMSDH, nagpaalala sa kahalagahan ng healthy lifestyle

December 17, 2025 | News by PISD

Sa pagbubukas ng Dialysis Center sa Oriental Mindoro Southern District Hospital (OMSDH) sa Roxas, taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Dr. Jocel Caranzo, OMSDH Chief of Hospital, sa mahalagang pasilidad na kaloob ng pamunuan ni Governor Bonz Dolor. Aniya, ang pasilidad ay talagang malaking tulong para sa mga kababayan, lalo na sa mga nangangailangan ng serbisyong medikal sa katimugang bahagi ng lalawigan, partikular ang mga residente ng Ikalawang Distrito.

Paalala ni Dr. Caranzo sa publiko, mahalaga lalo na sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Kasama na rito ang pagpili ng mga masusustansyang pagkain upang maiwasan ang sakit sa bato na maaaring humantong sa malubhang kondisyon na nangangailangan ng dialysis.

https://www.facebook.com/reel/1386827249855590

Scroll to Top