Pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan para sa Mindoreรฑo, tinututukan

December 17, 2025 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒรฑ๐—ผ, ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—ป

17 Disyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Higit na pagpapaigting ng mga programa, polisiya, at serbisyong pangkalusugan ang tinalakay sa 4th Quarter Board Meeting ng Provincial Health Board ngayong araw na ginanap sa Mangyan Hall ng Provincial Capitol.

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor ang pagpupulong katuwang si Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante.

Kabilang sa naging sentro ng diskusyon ang pag-apruba sa tatlong resolusyon na sumasaklaw sa pakikipag-ugnayan sa mga sektor pangkalusugan para sa pamamahala at pagpapatupad ng 2026 Annual Operation Plan na may kinalaman sa Universal Health Care (UHC), pagdadagdag ng mga dentista para sa pagtitiyak ng mas pinalawig na oral health care, at pagbuo ng Road Safety-Technical Working Group.

Bukod dito, iniulat din ng Department of Health (DOH) Oriental Mindoro na namamahala sa distribusyon ng Health Emergency Allowance (HEA) ang estado ng pamamahagi nito na patuloy na pinoproseso upang maibigay sa mga benepisyaryo nito.

Gayundin, ipinresenta ang mga proyekto na prayoridad para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na ipanunukala para sa 2026 National Expenditure Program ng mga pampubliko at pribadong ospital, Super Health Centers, at Rural Health Units sa lalawigan.

Binigyang-diin din ni PhilHealth Chief Social Insurance Officer (CSI Officer) Ma. Neresa C. Reganit ang libreng serbisyong pangkalusugang handog para sa mga Mindoreรฑo ng UHC at Alay sa Pamilyang Pilipino (YAKAP) Program.

Nakapaloob dito ang Konsulta Package at PhilHealth Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) na nagbibigay ng hanggang Php 20,000.00 halaga ng mga gamot kada taon sa mga miyembro nito na nakarehistro sa YAKAP program at may reseta mula sa Philhealth-accredited na doktor.

Layunin ng pagtitipon na hindi lamang mas paigtingin ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan, kundi masiguro na maiparamdam ang adhikain ng pamahalaan na mapanatili ang malusog at ligtas na Oriental Mindoreรฑos.

#thecapitolnews

Scroll to Top