December 17, 2025 | News by PISD

Isang bagong pag-asa para sa ating mga kababayan. Ito ang handog ng bagong bukas na Dialysis Center sa bayan ng Roxas na nagbibigay ng serbisyong may malasakit para sa lahat. Sila ang mga unang mamamayang nabigyan ng libreng serbisyong medikal na ito mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
