Kaalaman at Pag-iingat, sama-samang panlaban sa ILI

December 16, 2025 | News by PISD

🛡️𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁: 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗜𝗟𝗜

Sa pagdami ng mga pagtitipon at selebrasyon, mahalagang maging handa at may sapat na kaalaman upang maiwasan ang Influenza-Like Illness (ILI). Kaya naman nagbahagi tayo ng impormasyon tungkol sa kung ano ang ILI, paano ito naipapasa, at ano ang mga dapat gawin upang makaiwas at makapag-alaga kung sakaling magkasakit.

𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗟𝗜?

Ang ILI ay karaniwang nagdudulot ng:

• Lagnat na 38°C pataas

• Ubo na nagsimula sa loob ng nakaraang 10 araw

Maari ring makaranas ng:

• Pananakit ng lalamunan

• Sipon

• Pananakit ng ulo at katawan

• Panghihina at pagkapagod

𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗶𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮?

Ang ILI ay kadalasang naipapasa sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo o pagbahing ng taong may sakit.

𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘄𝗮𝘀?

✔️ Magpabakuna laban sa trangkaso ang buong pamilya

✔️ Iwasan ang masisikip at matataong lugar

✔️ Magsuot ng face mask, lalo na kung may sakit

✔️ Takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing

✔️ Siguraduhin ang maayos na bentilasyon at airflow

✔️ Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig

✔️ Kumain ng masustansya, uminom ng sapat na tubig, at mag-ehersisyo upang mapalakas ang resistensya

🚨Kung may hirap sa paghinga, sobrang taas na lagnat, matinding panghihina, o lumalalang sintomas, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital.

Panlaban natin ang kaalaman at wastong pangangalaga sa sarili.

Bilang isang komunidad, sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.

Scroll to Top