December 15, 2025 | News by PISD

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: 𝗭𝗲𝗿𝗼 𝗜𝗹𝗹𝗶𝘁𝗲𝗿𝗮𝗰𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗮𝗰𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼, 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴-𝗶𝗶𝗯𝗮𝘆𝗼
15 Disyembre 2025, Bongabong – Sumailalim sa assessment ang may 20 learners ng Zero Illiteracy and Inumeracy Program (ZIIP) for Indigenous People sa Barangay Lisap.
Bahagi ito ng monitoring and evaluation ng ZIIP Technical Working Group upang isiguro na maayos na naipatutupad ang programa sa mga pamayanan at upang alamin ang kalagayan ng nakatalagang Para Teachers.
Samantala, pasasalamat ang ipinaabot ni Brgy. Lisap Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Renato Iwan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor
dahil sa malaking tulong nito sa mga katutubo sa kanilang lugar.
Hiniling din niya na magtuluy-tuloy ang programa upang mas marami pang mga katutubo ang matutong bumasa, sumulat at magbilang.
