December 15, 2025 | News by PISD

Matagumpay na nakapagtapos ang 95 na miyembro mula sa Oriental Mindoro Riders Federation at ilang kawani ng Provincial Government of Oriental Mindoro sa isinagawang tatlong batch ng Basic Life Support (BLS) Training noong 22-23 November 2025; 29-30 November 2025 at 6-7 December 2025.
Lubos ding nagpapasalamat ang aming tanggapan sa mga partner agencies na nagbahagi ng kanilang oras at kaalaman upang sanayin ang mga nasabing kalahok — ang DOH HEMS MIMAROPA, Provincial Health Office, MDRRMO Naujan, MDRRMO San Teodoro at MDRRMO Bongabong. Ang kanilang dedikasyon at suporta ay nagsilbing malaking bahagi ng tagumpay ng nasabing pagsasanay.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng pagkakaisa at sama-samang pagsisikap tungo sa pagpapalaganap ng kultura ng kahandaan at kaligtasan sa probinsya ng Oriental Mindoro.
Muli, taos-pusong pasasalamat mula sa aming tanggapan sa inyong pagtitiwala at aktibong pakikiisa.
Sa ngalan nina Mr. Vinscent Gahol, Provincial DRRM Officer, at Gov. Humerlito “Bonz” Dolor, Provincial DRRM Chairperson — maraming salamat po!
