December 12, 2025 | News by PISD

๐ ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ฒรฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, ๐ง๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป
12 Disyembre 2025, Naujan – Mula sa 60 atletang kabataan na ipinadala ng lalawigan ng Oriental Mindoro sa Batang Pinoy 2025 sa General Santos City noong ika-25 hanggang ika-31 ng Oktubre, lima (5) sa kanila ang nagkamit ng mataas na karangalan.
Bilang pagkilala sa kanilang ipinamalas na natatanging galing sa larangan ng palakasan, binigyan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ng cash incentives ang mga ito ngayong ika-12 ng Disyembre.
Kabilang sa mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya na nakatanggap ng insentibo ay sina:
โช๏ธRaijin Domingo L. Lara (Taekwondo, Kyorugi Cadet Under 53kg Category) – Bronze Medalist na tumanggap ng Php. 2,000 na insentibo;
โช๏ธJohn Noah Isaiah M. Tiemsim (Taekwondo, Kyorugi Junior Flyweight Category) – Silver Medalist na tumanggap ng Php. 3,000 na insentibo;
โช๏ธRhandrex Dale B. Isler at Reign Karylle Anne M. Panes (Dancesport, Youth D Standard Category) – Silver Medalist na tumanggap ng Php. 7,000 na insentibo; at
โช๏ธZneria P. Venal (Chess, ASEAN Rapid Category) – Silver Medalist na tumanggap naman ng Php. 3,000 na insentibo.
Bukod sa kanila, tumanggap din ng kaukulang insentibo ang mga coach ng mga nagwaging kabataang atleta.
Samantala, pinangasiwaan ang gawain ng Governor’ Office – Special Concerns Division (GO-SCD) sa pangunguna ni GO-SCD Chief Junielo Alcuran.
Matatandaan na personal na dumalo si Gob. Dolor kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor sa seremonya ng pagbubukas ng naturang gawain bilang pagpapakita ng solidong suporta sa mga kabataang Mindoreรฑo.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapalawig ng partisipasyon ng mga kabataan sa larangan ng sports upang higit pang suportahan ang kanilang kakayahan na makipagtagisang ng husay at galing sa iba’t ibang uri ng sports kahit sa pambansang paligsahan.
