December 12, 2025 | News by PISD

Matapos ang isinagawang awarding sa mga kabataang atletang Mindoreño na nagkamit ng mataas na karangalan sa pambansang paligsahan, nanumpa naman sa harap ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ngayong ika-12 ng Disyembre ang limang (5) bagong permanente at promoted na kawani ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kanilang bagong katungkulan.
Kabilang sa mga nanumpa bilang bagong permanenteng kawani sina Hans Jansen S. Dimaala, Tourism Operations Officer I at Valerie Anne D. Clemente, Tourism Operations Assistant ng Provincial Tourism Office, at Jesusa M. Cruz, Labor and Employment Assistant ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO). Bagong promoted naman sina Angelica S. Eje, Supervising Administrative Officer (HRMO IV) ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO) at John Vernon B. Ramirez, Taxmapper III ng Provincial Assessor’s Office (PAssO).
Kaakibat ng mga bagong posisyong kanilang hahawakan ang tagubilin ni Gob. Dolor na mas pag-ibayuhin pa ang paglilingkod nang higit pa sa sweldong kanilang tinatanggap. Panatilihin din aniya ang ngiti sa mga labi upang higit na maging maayos ang pagseserbisyo sa mga mamamayang Mindoreño.
Pinangasiwaan ang gawain ng mga kawani ng Provincial Human Resource and Management Office sa pangunguna ni PHRM Officer Anna Marie DC. Reyes.
