December 11, 2025 | News by PISD

Idinaos ang 4th Quarter Meeting ng Provincial Nutrition Committee (PNC) sa Mangyan Hall ng Provincial Capitol ngayong araw.
Layon ng aktibidad na higit na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya upang higit pang mapabuti ang mga programang pangnutrisyon para sa mga mamamayan ng lalawigan.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng PNC at iba pang katuwang na ahensya upang talakayin ang kasalukuyang estado ng nutrisyon sa lalawigan.
Pinangunahan ni Dr. Cielo Angela A. Ante, Provincial Office Health Officer II, ang pagpupulong na tumalakay sa ang iba’t ibang programa at datos ukol sa nutritional status ng mga bata, pagrepaso ng mga isinagawang proyekto, at paghahanda ng mga plano para sa susunod na taon. Kabilang din sa mga natalakay ang pag-aayos ng komite ang mga ulat sa implementasyon ng nutrition programs, at iba pang adbokasiya para sa mas malusog na pamayanan.
